Home METRO Road reblocking sa EDSA gugulong ‘gang Lunes

Road reblocking sa EDSA gugulong ‘gang Lunes

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng road reblocking at repairs sa ilang bahagi ng EDSA sa Pasay City at Caloocan City simula nitong Biyernes ng gabi hanggang sa Lunes ng umaga.

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road works ng alas-11 ng gabi, araw ng Biyernes, at matatapos sa Lunes, alas-5 ng umaga, depende sa weather conditions.

Kukumpunihin ang sumusunod na kahabaan ng EDSA:

  • EDSA soutbound, paglampas ng Cabrera St., outer lane, Pasay City

  • EDSA northbound, sa pagitan ng Gen. Tirona Street hanggang Don Vicente Ang (ika-limang lane mula sa sidewalk), Caloocan City

“Motorists are advised to take alternate routes,” anang MMDA. RNT/SA

Previous articleAmihan magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas
Next article9 ‘miyembro’ ng Dawlah Islamiyah-Maute group patay sa engkwentro