Home METRO Road works, mall-wide sales suspendido sa Aug.17-Sept. 10 para sa FIBA –...

Road works, mall-wide sales suspendido sa Aug.17-Sept. 10 para sa FIBA – MMDA

208
0

MANILA, Philippines- Suspendido ang road works at mall-wide sales sa ilang lugar mula August 17 hanggang September 10 bilang bahagi ng paghahanda para sa International Basketball Federation (FIBA) Basketball World Cup 2023, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Miyerkules.

Sinabi ng MMDA na epektibo ang suspensyon mula hatinggabi ng August 17 (Huwebes) hanggang hatinggabi ng September 10 (Linggo).

Ititigil muna ang reblocking, utility works, pipe laying, road upgrading, at excavation works sa mga sumusunod na lokasyon:

  • EDSA Monumento hanggang SM MOA

  • Kalayaan Avenue, C5 Road hanggang EDSA

  • Along Diokno Boulevard

  • P. Ocampo St., Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard

  • Roxas Boulevard, NIA Road hanggang UN Avenue

  • Along Meralco Avenue

  • Ortigas Avenue, EDSA hanggang C5 Road

  • EDSA North Avenue hanggang Agham Road

Ipagbabawal din muna ang mall-wide sales sa lahat ng mall sa EDSA at iba pang lugar na apektado ng FIBA event upang  matiyak na lahat ng kalsada ay madaraanan, malinis, at tiyak sa lahat ng uri ng sasakyan, base sa MMDA.

“The memorandum circular, signed by MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, was issued to all concerned offices, Department of Public Works and Highways-NCR Engineering Districts, local government units, utility companies, contractors, and shopping mall operators,” anang MMDA.

Kasado ang FIBA 2023 mula August 25 hanggang September 10, kung saan host ang Pilipinas, Japan, at Indonesia.

Isasagawa ang mga laro a iba’t ibang lugar sa Pilipinas, kabilang ang Mall of Asia Arena sa Pasay City at Araneta Coliseum sa Cubao.

Batay sa Philippine National Police (PNP), partikular na iho-host sa Manila ang mga kalahok galing Africa, Americas, Asia-Pacific, at Europe na inaasahang aabot ng 3,253 FIBA customer grupo.

Inihayag ng PNP na maaga itong naghanda para sa seguridad ng aktibidad. RNT/SA

Previous article19 batang swimmers sabak sa SEA Age Group tilt
Next articleMotion for reconsideration vs PDAF scam conviction ni Napoles ibinasura

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here