TOKYO — Inaasahan na pauuwiin ng Pilipinas ang dalawa sa apat na Japanese detainees na hinihinalang sangkot sa serye ng robberies sa Japan, sa Martes, batay sa investigative sources nitong Linggo.
Posible ring pauwiin ang natitirang dalawa kabilang si Yuki Watanabe, 38, itinuturing na eader ng fraud group, sa Japan sa parehong araw depende sa kanilang criminal trials ngayong Lunes, base sa sources. Ang kinahaharap nilang kaso ay hindi kaugnay ng robberies ds Japanat nakahadlang sa kanilang deportation process.
Hiniling ng Japan na ilipat ang apat na Japanese matapos makakuha nag pulis ng arrest warrants sa hinihinalang pagnanakaw kaugnay ng scam na tuma-target sa mga matatanda sa bansa.
Inaasahang magpapadala ang Tokyo Metropolitan Police Department ng halos 15 imbestigador sa Pilipinas ngayong Lunes, base pa sa mga source.
Ang tatlo pang suspek ay sina Kiyoto Imamura, 38, Toshiya Fujita, 38, at Tomonobu Kojima, 45. Nakahanda nang i-deport sina Imamura at Fujita matapos ma-clear sa local charges.
Sinabi ni Justice Department spokesman Mico Clavano nitong Biyernes na magpupulong ang government agencies ngayong Lunes para pagdesisyunan ang deportation day.
Hinihinalang mastermind ang apat sa ilang pagnanakaw sa Japan sa ilalim ng pseudonyms na “Luffy” at “Kim” mula pa noong nakaraang taon.
Nagnakaw din umano sila ng mahigit 6 billion yen (halos P2.4 billion) sa pamamagitan ng scams na tumatarget sa matatanda sa Japan, ayon sa pulis. RNT/SA