Home ENTERTAINMENT Robbie Tarroza, may pasabog sa naging away nina Francis M at Pia!

Robbie Tarroza, may pasabog sa naging away nina Francis M at Pia!

Manila, Philippines- Tiyak na pamilyar pa rin ang pangalang Robbie Tarroza.

Siya ang dating miyembro ng That’s Entertainment.

Pinasok din niya ang pagpoprodyus ng mga concerts.

Sa kanyang Facebook account, mahabang inilahad ni Robbie ang kanyang nalalaman base sa namuong pagkakaibigan nila ng nasirang Master Rapper na si Francis Magalona.

Taong 1992 raw nang makilala ni Robbie si Francis through Larry Scott na producer ng kanyang album.

Nagkakilala raw ang dalawa sa recording studio na pag-aari ng dating matinee idol na Jose Mari Gonzales.

Si Jose Mari ang ama ng dating aktres na sina Cristina at Ana.

Mula noon ay dire-diretso na ang kanilang pagkakaibigan.

Sometime in 1999 daw ay si Robbie ang producer ng concert tour ni Francis, na hindi nga lang daw naging “profitable” as he expected and Francis was well aware of it.

Dahil malapit sa isa’t isa ay naikukuwento raw ni Francis ang kanyang mga problema sa karelasyong si Pia.

Ani Robbie, Francis and Pia that time were never married in the Philippines.

Kasal daw kasi si Pia sa nauna nitong partner na Lim ang apelyido.

May dalawang anak daw si Pia na sina Niccolo at Unna.

Pakiusap ni Robbie kay Pia, huwag itong “pa-victim” in a way na niloko siya ni Francis.

Ang buong alam daw kasi ni Robbie ay hiwalay na sila ni Francis nang makilala nito ang flight attendant na si Abegail Rait.

Nais daw ni Francis na kalasan noon si Pia, danga’t nga lang ay may anak sila.

Robbie swore he was a witness to the already separated couple’s “bloody fights.”

Ang tawag nga raw ni Francis kay Pia, ayon kay Robbie, ay “f**ing b**tch.”

Since they were close buddies, naikuwento raw ni Francis kay Robbie ang tungkol kay Abegail.

Quoting Francis based on his recollection, natagpuan daw nito ang “peace” at “real love” sa katauhan ni Abegail.

Samantala, inilabas ng dating publicist ni Francis na si Pilar Mateo ang litrato nina Francis at Pia with her.

Kuha ‘yon sa Hongkong kung saan ikinasal sina Francis at Pia.

Sabi naman ni Robbie, as far as he knew ay ikinasal din daw later on ang dalawa.

Nag-ugat ang lahat ng ito nang lumantad si Abegail claiming to have had a romantic relationship with Francis which she managed to keep under wraps for 15 years.

Nagbunga ang patagong relasyon na ‘yon ng anak named Cheska, now 15 years old. Ronnie Carrasco III

Previous articleAktibidad ng Tsina sa WPS kinondena ng DND
Next articleCriminology student kinuyog ng grupo ng kalalakihan, patay!