Home ENTERTAINMENT Robert Arevalo, pumanaw na! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Robert Arevalo, pumanaw na! August 11, 2023 09:18 450 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Muling nagdadalamhati ang showbiz sa pamamaalam ng beteranong aktor na si Robert Arevalo. He was 85 years old. Roberto Francisco Ylagan sa totoong buhay, pumanaw siya ganap na 10:17 ng umaga nitong August 10, Huwebes. Ito ang malungkot na ibinalita ng isa sa kanyang tatlong anak na si Anna sa Facebook. Bahagi ng post ni Anna: “Praise God for His mercy and grace for giving us the best papa we ever had.” Ang dalawa pang anak ni Robert ay sina Gina at Christian. Walang detalye kaugnay ng sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama ang ipinost ni Anna. Gayunpaman, abut-abot ang pasasalamat ng kanyang pamilya sa lahat ng nagpaabot ng kanilang pakikiramay. Nakalagak ang mga labi ni Robert sa Arlington Chapels sa Araneta Avenue sa Quezon City. Kontratado si Robert ng Premiere Productions. His very first movie was Huwag Mo Akong Limutin in 1960. Taong 1965 naman nang magtambal sila ng naging kabiyak na si Barbara Perez sa pelikulang Daigdig ng mga Api. Sila ang tinanghal na Best Actor at Best Actress respectively sa Famas noong 1966. Robert last appeared on ABS-CBN’s FPJ’s Ang Probinsyano that starred Coco Martin. Mula sa Remate Online, ang aming tauspusong pakikiramay sa mga naulila ng mahusay na aktor. Ronnie Carrasco III