Home ENTERTAINMENT Robin, nagpatawag ng pagtitipon sa Eddie Garcia bill; Daniel, no-show?

Robin, nagpatawag ng pagtitipon sa Eddie Garcia bill; Daniel, no-show?

Manila, Philippines- In full force ang karamihan sa mga miyembro ng kilalang showbiz clan sa ipinatawag na pagtitipon ni Senator Robin Padilla kaugnay ng isinusulong na Eddie Garcia bill.

Layunin ng nasabing panukalang batas na mabigyan ng oportunidad ang mga industry workers at proteksyon laban sa pang-aabuso, harassment, economic exploitation at hazardous working conditions.

Nauna na itong naipasa sa Congress sa pangunguna ng dating child actor at ngayo’y Pangasinan District 4 Representative Toff de Venecia.

Ang mga nagsidating sa pagtitipon ay kinabibilangan nina Senators Jinggoy Estrada at Bong Revilla, matalik na kaibigang si Philip Salvador, si Coco Martin mula sa hanay ng bagong heberasyon ng mga action stars, direk Joyce Bernal at marami pang iba.

Mismong ang misis ni Robin na si Mariel Rodeiguez ang nagpost ng ilang group photos ng mga attendees sa Instagram.

Bagama’t hindi nakasipot, nagpost naman ng pasasalamat si Toni Gonzaga kay Robin.

Umaasa rin ang non-attendee na si Bela Padilla na sa susunod ay “rights at equity” naman daw para sa mga writers ang gawan ng bill.

Not only is Bela an actress, she also dabbles into writing and directing films.

Masasabing lumevel si Coco sa mga beteranong action stars base sa group photo taken of him with them.

May mga netizens ding nakapansin sa obyus na pagbagsak ng katawan ni direk Joyce.

Matatandaang bago naging business partner ni Piolo Pascual ang lady director via Spring Films ay naidirek nito si Robin in a movie.

Kapansin-pansin din ang conspicuous absence ng pamangkin ni Robin na si Daniel Padilla to think it was the latter’s uncle who had called for a meeting to amend the bill.

Anyway, maganda ang hangaring nakapaloob sa nasabing bill bilang pagkilala sa yumaong si Eddie Garcia at ang ambag nito sa industriya.

Magugunitang the veteran actor accidentally tripped over a cable on the set of a teleserye na tuluyan nang isine-shelve ng GMA.

Eddie’s injurious accident rendered him comatose for a couple of days until he passed away. Ronnie Carrasco III

Previous articleAmateur boxer sa Davao na-coma sa unang laban
Next articlePangilinan family, ‘di sisipot sa Sha-Gab concert!