Home ENTERTAINMENT Rocksteddy at Mayonnaise, may pasiklab!

Rocksteddy at Mayonnaise, may pasiklab!

Manila, Philippines – Nagbubunyi ngayon ang mga fans at supporters ng sikat na bandang Rocksteddy at Mayonnaise dahil pinagsama sila ng CC6 Music Fest 2024 sa isang malaking event na gaganapin sa June 29, 2024 sa Vista Mall concert ground, Tanza, Cavite.

Bukod sa CC6, kasama rin dito ang JAF Digital sa paghahatid ng saya kasama ang mga sikat na banda.

FYI, free admission ito na may giveaways pa at pa-raffle.

Ilan nga sa mga komento ng netizens sa nalalapit na event: “Excited na kami dahil siguradong masaya at magraraktakan na naman kasama ang Rocksteddy!”

“Ayos, maririnig ko na ng live ang mga kanta ng fVe band ko na Mayonnaise!”

Kasama rin dito ang ilang sikat na socmed influencers gaya nina Lai Austria, Sex Bomb New Gen at iba pa.

Ang pagbukas ng gate ay magsisimula ng 1PM onwards. JP Ignacio