Home HOME BANNER STORY Rodriguez kay Zubiri: Konstitusyon ‘di mapapalitan ng batas

Rodriguez kay Zubiri: Konstitusyon ‘di mapapalitan ng batas

MANILA, Philippines – Hindi pwedeng amyendahan sa pamamagitan ng pagpasa ng batas ang 1987 Constitution, sinabi ni House Committee on Constitutional Amendments chairperson Rufus Rodriguez nitong Lunes, Disyembre 18.

Ang tugon na ito ni Rodriguez ay tungkol sa komento ni Senate President Miguel Zubiri nitong Linggo, na ang foreign investors ay handa nang magtungo sa Pilipinas kahit walang Charter change dahil ang mga amyenda sa Public Service Act ay isinabatas na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga amyenda, na pinirmahan bilang batas noong Marso 2022, ay epektibong pumapayag sa 100% foreign ownership ng telecommunications at railways, at iba pa, lalo’t sa batas ay tinutukoy ang telecommunications, railways, airlines, at logistical facilities bilang public services mula sa dating klasipikasyon nito bilang public utilities.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang mga dayuhan ay pinapayagan lamang ng hanggang 40% ng public utilities.

“The Senate President is dead wrong on his stand that laws (statutes) can amend the Constitution. Of course not. The previous laws amending the Public Service Act are now being questioned by at least two petitions in the Supreme Court for being unconstitutional,” saad sa pahayag ni Rodriguez.

“Just amending the Public Service Act to change the constitutional provisions prohibiting or limiting foreign investments cannot and will not pass constitutional muster,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ni Rodriguez na hindi pa siya nakakakita ng patunay na may foreign-owned airlines, shipping companies, at railway companies ang nag-apply ng prangkisa o authority para magbukas ng kanilang negosyo sa Pilipinas.

“How can foreign companies apply to do business here under the amendments of the Public Service Act when the Constitutionality of these amendments have been questioned in the Supreme Court?” giit ni Rodriguez.

Aniya, hindi dapat umanong makialam si Zubiri at ang Senado sa isinusulong na Constitutional changes na maghihikayat sa mas maraming investment at trabaho sa bansa.

“As to the sale of land to foreigners, it is not one of the amendments the House has submitted to the Senate. [And so] we are appalled by the obstructionist stance of the Senate for economic amendments to our Constitution. We are now Number 8 in Foreign Direct Investments in 10-member ASEAN. Alarmingly, We have been overtaken by Vietnam and Cambodia,” aniya.

”We are only ahead of Laos and Myanmar. We need to provide more employment opportunities to our people and more business taxes to finance our social services,” dagdag ni Rodriguez.

Nauna nang sinabi ni Speaker Martin Romualdez ng Leyte na tututukan ng Kamara ang hakbang para amyendahan ang Konstitusyon sa 2024.

Noong Marso, inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) 6, na nananawagan para sa constitutional convention (Con-con) upang amyendahan ang 1987 Constitution.

Saad sa RBH No. 6 na ang con-con-with delegates na maihahalal para i-draft ang bagong konstitusyon, “would be the most transparent, exhaustive, democratic, and least divisive means of implementing constitutional reforms.”

Nananatiling nakabalahaw sa committee-level deliberations ang Charter change initiatives sa Senado. RNT/JGC

Previous article2,725 dagdag-kaso ng COVID naitala mula Dis. 12 ‘gang 18
Next article200 pamilya inilikas sa Surigao del Sur sa bagyong Kabayan