Home NATIONWIDE Rollback sa produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo – DOE

Rollback sa produktong petrolyo asahan sa susunod na linggo – DOE

MANILA, Philippines – Asahan na magkakaroon ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo batay sa galaw ng presyo nito sa kalakaran sa nakalipas na apat na araw.

Ayon sa Department of Energy nitong Biyernes, Hunyo 16, posible ang P0.30 hanggang P0.60 na rollback sa kada litro ng gasolina, P0.30 hanggang P0.50 kada litro naman ang bawas sa presyo ng diesel.

Maglalaro naman sa P0.40 hanggang P0.65 kada litro ang bawas sa presyo ng kerosene.

Karaniwang inaanunsyo ang price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad tuwing Martes. RNT/JGC

Previous articleGuimaras mangoes bilang kauna-unahang PH GI, mas magpapakilala ng Pinoy products sa mundo – Angara
Next article4 patay sa Japanese encephalitis sa Iloilo