Home NATIONWIDE Rollback sa produktong petrolyo, ipatutupad bukas!

Rollback sa produktong petrolyo, ipatutupad bukas!

MANILA, Philippines – MATAPOS ang higit dalawang buwan na linggo-linggong pagpapatupad ng taas presyo sa mga produktong petrolyo, tinuldukan na ito ng mga kompanya ng langis sa bansa makaraang magpatupad ng katiting na bawas presyo sa kada litro ng mga produktong petrolyo epektibo bukas, Setyembre 26.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng katiting na bawas presyo na P0.20 sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel habang P0.50 naman sa kada litro ng kerosene na magiging epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May karampot na bawas presyo din sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na magiging epektibo alas-12:01 bukas ng hatinggabi. JAY Reyes

Previous articlePH gymnast hindi sumusuko
Next articleDelgaco bigong makaapak sa podium