Home NATIONWIDE Rollout ng e-vehicles, paspasan – DOE

Rollout ng e-vehicles, paspasan – DOE

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Department of Energy (DOE) para sa mas mabilis na rollout ng electric vehicles sa bansa para mabawasan ang pagsandal nito sa fossil fuels.

“The shift to EVs is expected to reduce the country’s dependence on imported fuel and to promote cleaner and energy-efficient transport technologies,” ang pahayag ng DOE sa isang kalatas.

Layon ng DOE ay maglunsad ng  2,454,200 electric vehicles, kabilang na ang mga kotse, tricycles, at motorsiklo, upang makatulong na mailigtas ang kapaligiran at makalikha ng investments para sa bagong industriya  sa  2028.

Ayon sa  DOE,  ang panawagan para sa mabilis na pag-rollout sa electric vehicles ay bilang pagsuporta sa inisyatiba ng Electric Vehicle Industry Development Act na lumikha ng  kaaya-ayang kapaligiran para sa development ng electric vehicles sa bansa.

Para naman sa Department of Transportation, ginagawa na nito ang roadmap para sa paglipat ng transport sector sa electric vehicles.

Kinokonsidera naman ng DOTr ang pagbibigay ng tax incentives at soft loans sa mga transport operators upang sa gayon ay matulungan ang mga ito na lumipat sa electric vehicles. Kris Jose

Previous articleTapyas-presyo sa produktong petrolyo, gugulong sa Martes
Next articleMakati cyclist-friendly innovations tampok sa World Bicycle Day