Home ENTERTAINMENT Romnick, isa nang propesor, pinuri ng mga kasamahan!

Romnick, isa nang propesor, pinuri ng mga kasamahan!

400
0

Manila, Philippines – Not too many know that aside from being an actor, Romnick Sarmenta is also a university professor.

Sa kasalukuyan, Romnick reports to the Trinity University of Asia as “invited media practicioner.”

Bale bahagi si Romnick ng Media and Communication Department.

Ilan lang sa mga subjects na itinuturo ng aktor ay ang creative writing, behavioral and social change communication, writing for non-dramatic materials at writing for dramatic materials.

Puring-puri nga si Romnick ng mga mag-aaral at katrabaho roon.

As far as one of his students is concerned, hindi raw base sa mga teorya ang ibinabahagi ni Romnick.

Mga personal daw niyang karanasan bilang taga-industriya ang ini-impart niya.

Ang nakakatawa, as told by the student ay na- late daw ang aktor sa unang araw ng klase.

May valid reason naman pala for the actor’s tardiness.

Galing daw kasi siya sa paumagahang taping, umuwi lang ng bahay, nagpalit ng damit at diretsong pasok na sa eskuwela.

Wala pa nga raw tulog ang aktor, ayon sa estudyante.

Umani rin ng papuri si Romnick mula sa kasamahan who’s a doctor’s degree holder.

Base raw kasi sa mga evaluation kay Romnick, he was doing impressively well sa kanyang unang semester as a hiree.

Sa kanyang guesting sa Fast Talk, tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung may estudyante na raw bang na-in love sa aktor.

Alam naman nating lahat na dating matinee idol si Romnick noong dekada nobenta.

Ayon kay Romnick, hindi raw maiiwasang may maglambing ng selfie sa kanya sa campus.

Hindi para sa gratification ng mga babaeng estudyante kundi para raw sa mga nanay nila na may crush sa kanya noon.

That way daw, ani Romnick ay safe daw siya.

Malabo nga naman siyang masilipan ng behavior unbecoming of a faculty member.

Besides, with his new life partner ay wala na sa bokabularyo ni Romnick na maghanap pa ng ibang babae.

At bakit naman siya magkakalat sa sarili niyang bakuran, ‘di ba? Ronnie Carrasco III

Previous articleBong Go: Pagtutulungan ng LGUs, mahalaga
Next articlePH firms malulugi ng P6B kada-araw sa cyberattacks – grupo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here