Home NATIONWIDE Romualdez bumwelta sa toxic rhetoric sa PI: Magtrabaho kayo

Romualdez bumwelta sa toxic rhetoric sa PI: Magtrabaho kayo

MANILA, Philippines – Hindi na nakatiis at binuweltahan na ni House Speaker Martin Romualdez ang Senado laban sa mga akusasyon laban sa kanya at sa buong House of Representatives sa isyu ng People’s Initiative (PI).

Ayon kay Romualdez, sa halip na panay ang puna ng mga senador sa Kamara ay dapat tignan muna kung mayroon na itong nagawa.

Ani Romualdez, sa halip na maglitanya muli ang Senado ay tignan ang kabiguan nito na maipasa ang mga priority legislations ng Marcos administration.

“Tapos na ang trabaho ng House of Representatives. Tapos na lahat ng assignment. Iyong senador, hindi pa tapos. Tapusin niyo ang trabaho niyo. Naghihintay ang mga Pilipino. Kadugay (mabagal kayo),” pahayag ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang halos lahat ng priority bills ng administrasyon na siyang dapat na tinututukan na ng Senado sa halip na pakialaman ang signature campaign para sa PI.

“Wala kayong pakialam sa PI (people’s initiative. Trabaho ‘yan ng taumbayan. Ang Congress at senator, ang trabaho, legislation. PI is power of the people. You senators should buckle down to work. There is only 24 of you, get your act together. Focus on your work. Stop hitting on Congress and maintain parliamentary courtesy,” bwelta ni Romualdez.

Samantala, itinanggi ni Romualdez ang alegasyon ni Senador Imee Marcos na nasa P20 million kada distrito ang ibinibigay para lumagda sa PI.

“Maraming Marites (rumormongers) diyan sa Senate. All speculation,” paliwanag ni Romualdez.

Inamin ni Romualdez na lumiham ito kay
Senate President Juan Miguel Zubiri ukol sa Charter Change.

“The House of Representatives, despite the very toxic rhetoric coming out of the Senate, we would like to suggest to the leadership to exercise parliamentary courtesy and that they behave more properly. I wrote the letter to assuage any hurt feelings that they have,” ani Romualdez.

“Kung ano ano lumalabas diyan eh, hindi natin pinapatulan kasi walang basehan. We do not dignify statement that are divisive. We respond to calls for unity, sobriety, and for everyone to work together for betterment of the Filipino,” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza

Previous articleApela ng SMNI sa 2 suspended programs, ibinasura ng MTRCB
Next article‘Checks and balance’ sa gobyerno, lulusawin ng PI – Bong Go