Home NATIONWIDE Romualdez naguguluhan kay PRRD: Federalism oks, pero economic constitutional reforms ayaw?

Romualdez naguguluhan kay PRRD: Federalism oks, pero economic constitutional reforms ayaw?

MANILA, Philippines – Ano ba talaga?

Ito ang tanong ni House Speaker Martin Romualdez kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga banat nito sa pagsusulong ng constitutinal reforms.

Ayon kay Romualdez ang buong presidential campaign platform ni Duterte ay ang paglilipat ng parliamentary form of government ngunit ngayon ay iba na ang nais nito at tahasang sinasabi na “satisfied” ito sa kasalukuyang Konstitusyon ng bansa kaya tinututulan ang people’s initiative sa pag amyenda ng Saligang Batas.

” this is tantamount to changing his tune about Charter amendments” ani Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na nahirapan maisulomg sa termino ni Duterte ang pederalismo dahil ang buong sistema ang nais nitong baguhin, malayo sa isinusulong ngayon na tanging
economic provisions ang aamyendahan.

“Mukhang hindi nya nakayanan eh. Ngayon na may naglulunsad na magandang move for charter amendments, baka nakikita nya na ‘yung hindi n’ya nagawa ay magagawa. Baka mangyari na ngayon kaya sinisiraan nya,” pahayag ni Romualdez.

Nagpaalala si Romualdez kay Duterte na maghinay hinay sa mga nagiging banat nito sa kasalukuyang admininistrasyon lalo at may mga isyu din ito sa kanyang naging pamamahala kabilang na ang kabiguan na maresolba ang problema sa illegal na droga na pinangako nyang tatapusin sa loob ng 6 na buwan.

“Kaya mag-isip-isip na lang muna sya. They are saying those who are in the glass houses should not cast stones. Baka hindi nya alam, marami syang kakulangan, di ba?” pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza

Previous article12-anyos ibinugaw sa halagang P200
Next articlePrincipal sa Isabela natagpuang patay sa Cagayan