Home NATIONWIDE Romualdez: RBH 6 suportado ng Kamara

Romualdez: RBH 6 suportado ng Kamara

MANILA, Philippines- Tiniyak ng liderato ng Kamara ang suporta para sa alternatibong¬† people’s initiative sa pamumuno ng Senado sa panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng 1987 Constitution.

Sa liham kay Senate President Juan Miguel Zubiri, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na suportado nila ng deputy speakers, majority leader, at ng minority leader ang Resolution of Both Houses No. 6 na inihain ni Zubiri.

“We await the approval of the Senate RBH No. 6, and we commit to adopt this measure pertaining to the amendments of the economic provisions of the Constitution,” pahayag ni Romualdez sa liham na may petsang January 25, 2024.

“We also pledge and commit to support an alternative people’s initiative led by the Senate with the proposition on amendments to the restrictive provisions of the Constitution,” dagdag niya.

Iminumungkahi ng people’s inititiative sa pamumuno ng pro-Charter change group PIRMA upang makaboto ang Kamara at Senado nang iisa sa pag-amyenda sa batas. RNT/SA

Previous articleMga tsuper, operator maaaring bumuo ng sariling kooperatiba
Next articlePBBM nagpasalamat kay VP Sara sa pamumuno sa DepEd; BER 2024 pinuri