Ito ang ngayon ay tila napikon na pahayag ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez laban sa mga kritiko, nagbabanta, at patuloy na naananakot sa Malaking Kapulungan ng Kongreso.
Hindi napigilan ni Romualdez na resbakan ang mga kritiko na patuloy na pagtuligsa sa institusyon na nagbunga ng aniya ng pagkakawatak-watak ng bansa.
“Tatayo ako laban sa sinuman na mananakot sa atin para masunod lamang ang gusto nila. Titindig ako – tayong lahat – para sa kapakanan ng bayan,” he told his colleagues. “Nagkakaiba man tayo ng pananaw at paniniwala, nagkakaisa tayong tumitindig kung intaatake ang ating institusyon. Hindi rin natin papayagan ang sinuman na pigilan tayo sa paggampan ng ating mandato sa ating mga kababayan,” binigyang diin ni r Romualdez.
Giit pa nito na ang mga miembro ng Kamara ay nanggaling sa iba’t ibang grupo ngunit isinasantabi aniya ang mga pagkakaibang ito upang ipagtanggol ang institusyon at miyembro nito laban sa mapagsamantalang motibo na nais lamang alisin ang kanilang atensyon sa pagganap ng kanilang mandato.
Paliwanag pa ni Romualdez na ginamit ng Kamara ang kapangyarihan nito ng ilipat ang bahagi ng panukalang budget para sa susunod na taon sa mga proyekto at programa na sa tingin nito ay mas kinakailangang mapondohan.
“The House was never lenient, nor did it favor anyone. The entire process was dedicated to uplifting the lives of our fellow citizens and staying true to the fundamental principles of the system of checks and balances in the government.”
Kasunod nito ay nag-convene ang may may 311 na mambabatas bilang Committee of the Whole kung saan tumayong Majority Floorleader si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.
Matapos kwestyunin ni Albay Rep. Edcel Lagman kung sino ang pangunahing kritiko ng Kamara ay tumayo sa plenaryo si House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales.
“ Before I answer, I will resign now as member and officer and PDP-Laban. The one who uttered that word is our chairman from PDP-Laban, the former President Rodrigo Roa Duterte, the one who said that, Mr. Chairman,” ayon kay Gonzales.
Nauna rito ay tinawag ni dating Pangulong Duterte ang Kamara bilang pinakabulok na institusyon sa kaniyang TV program at dito ay inakusahan din nito si Romualdez ng pag-atake kay Vice President Sara Duterte.
Sa huli ay nagpasa ang mga mambabatas ng isang resolusyon upang pagtibayin ang integridad ng Malaking Kapulungan ng Kongreso at ipakita ang suporta kay Romualdez bilang lider ng naturang institusyon. Meliza Maluntag