Home NATIONWIDE Romualdez sa pagkandidato ng 3 Duterte sa Senado: It’s a democratic nation...

Romualdez sa pagkandidato ng 3 Duterte sa Senado: It’s a democratic nation that we live in

MANILA, Philippines- Walang nakikitang problema si House Speaker Martin Romualdez sa umano’y plano ng tatlong miyembro ng pamilya Duterte na kumandidato bilang senador sa May 2025 mid-term elections. 

“Well it’s a democratic nation that we live in, so any Filipino has the right provided that they have the proper qualifications to seek for higher office,” ani Romualdez nitong Miyerkules sa isang panayam sa Quezon City.

Bago ito, sinabi ni Vice President Sara Duterte na sinisilip ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte; at mga kapatid na sina Davao City 1st district Rep. Paolo Duterte at Davao City Mayor Baste Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa 2025.

Wika pa niya, balak din ni Mayor Duterte na tumakbong presidente sa 2028 presidential elections. 

Ayon kay Romualdez, sa parehong panayam, balak niyang tumakbo muli bilang Leyte 1st district representative sa susunod na taon para sa ikatlo at huling termino. RNT/SA