Home NATIONWIDE Romualdez: ‘Tapusin na po natin ang bangayan’

Romualdez: ‘Tapusin na po natin ang bangayan’

MANILA, Philippines- Sumagot si House Speaker Martin Romualdez sa tila pasaring ng kanyang pinsang si Senator Imee Marcos sa kanyang opening remarks sa Senate hearing sa people’s initiative upang amyendahan ang 1987 Constitution nitong Martes.

Inihayag ito ni Romualdez kasunod ang mga komento ni Marcos kamakailan, at sinabing hinaharap niya ang mga isyu “with the utmost respect and civility that it deserves.”

“Family ties in Philippine politics are deeply rooted, and while differences in opinions are inevitable, it is essential to approach these differences with a spirit of constructive dialogue and mutual respect,” aniya.

“The phrase ‘Walang gamot sa kakapalan ng mukha mo’, as expressed by Senator Marcos, reflects a passionate stance on issues we both care deeply about. As public servants, our primary focus should always be on the welfare of our constituents and the progress of our nation. It is in this light that I choose to interpret her words as a call to engage more deeply in our shared commitment to serve the Filipino people,” dagdag ni Romualdez.

Matatandaang dinepensahan ni Marcos ang Senado laban sa pahayag na hindi ito dapat makialam sa people’s initiative para sa Charter change.

May hiling naman ang Speaker sa senador, na kapatid ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.: “Ang pakiusap ko lang kay Senator Imee. Hindi po kailangan ng bastusan. Pinakikinggan tayo ng mga kabataan at hindi magandang ehemplo ang ganito.”

Sinabi pa ni Romualdez na “in the spirit of unity and cooperation”, siya ay “open to engaging in meaningful discussions with (the senator) to address any concerns and work together for the betterment of our country.”

Dagdag ng Speaker, “It is through open communication and collaboration that we can best serve the interests of our people.”

“Our nation faces many challenges, and it is more crucial than ever that we, as leaders, set an example of respect, understanding, and cooperation. I am committed to maintaining a professional relationship with all my colleagues in the government, including Senator Marcos, as we work towards our common goal of a prosperous and inclusive Philippines,” patuloy ni Romualdez.

“Tapusin na po natin ang bangayan. Mag-trabaho na lamang po tayo. Para na rin sa kapakanan ng mga kapwa natin Pilipino.” RNT/SA

Previous articleBronwlee sana makalaro sa Gilas – Cone
Next articleQuiambao, Sotto, Tamayo, Brownlee kasama sa Gilas pool ni Cone