Home ENTERTAINMENT Ronaldo, may iniwang note bago pumanaw!

Ronaldo, may iniwang note bago pumanaw!

Manila, Philippines – “No viewing.”

Ito pala ang nais mangyari ni Ronaldo Valdez sa kanyang mga labi.

Nagawa pang mag-iwan ng note ang 77 anyos na aktor bago pumanaw.

Posted on Facebook, medyo late na raw nabasa ito ng anak na si Janno Gibbs.

Pero bilang respeto sa ama, the singer-comedian did just as told.

Dalawang gabi lang daw pinaglamayan ang cremated remains ni Ronaldo.

Present si Janno sa unang gabi, pero hindi niya raw kinaya on the second night as he broke down at home.

Hindi man inanunsyo ng pamilya na bawal ang viewing, just the same mourners were welcome to pay their last respects.

Itinuloy na rin daw ng pamilya ni Janno ang kasado nilang biyahe sa Japan.

‘Yun daw ay para “makahinga” dulot ng trahedya.

From Japan ay umuwi lang daw sila saglit only to go to Singapore dahil naroon daw ang isang anak ni Janno.

Christmas in Japan, New Year in Singapore: these trips did help Janno to keep his mind off what befell his family.

Sa ngayon, ang mindset ni Janno is to move out of the house para tumira sa ibang lugar.

Mapait lang daw kasi ang alaalang iniwan ng tahanan where his dad passed away. Ronnie Carrasco III

Previous articleSuspected NPA rebel patay sa Agusan clash
Next articleP.A. ni Belo, inutusan sa Paris, bumili ng cake!