Home ENTERTAINMENT Ronaldo Valdez, pumanaw na!

Ronaldo Valdez, pumanaw na!

Manila, Philippines- Christmas season na Christmas season ay nagluluksa naman ang showbiz industry sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez.

He was 76.

Kinumpirma ng Quezon City Police District ang pagkamatay ng beteranong aktor hapon nitong December 17, Linggo.

Habang sinusulat ito’y wala pang detalye kaugnay ng sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ronaldo, whose career spanned nearly six decades, last appeared in ABS-CBN’s 2 Good 2 Be True.

Huli siyang namataan sa premiere night ng pelikulang A Very Good Girl starring Kathryn Bernardo nitong September lulan ng electric scooter.

Maituturing na versatile si Ronaldo na kayang-kayang mag-shift sa mga papel bilang comedic to dramatic.

Natuklasan siya ni Dolphy noong kalagitnaan ng dekada sitenta.

Mula 70s hanggang bago namayapa, hindi na mabilang ang mga makabuluhang pelikulang naging bahagi siya.

Ilan lang dito’y ang May Minamahal, The Mistress, Seven Sundays at marami pang iba.

Si Ronaldo rin ang kauna-unahang Pilipino bilang Colonel Sanders sa KFC commercial.

He is survived by his wife Maria Fe and children singer-comedian Janno Gibbs and actress Melissa Gibbs.

Nakikidalamhati ang Remate Online sa mga naulila ni Ginoong Ronaldo Valdez. Ronnie Carrasco III

Previous articleP700M jackpot Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 ‘di nasungkit!
Next articleCAAP: Mga paliparan heightened alert sa holiday season