Home HOME BANNER STORY Roosevelt Station ng LRT-1 tatawaging FPJ Station simula sa Linggo

Roosevelt Station ng LRT-1 tatawaging FPJ Station simula sa Linggo

MANILA, Philippines-  Papalitan ang pangalan ng Roosevelt Station sa Light Rail Transit (LRT) Line 1 na Fernando Poe Jr. (FPJ) Station simula sa Linggo.

Pangungunahan ni Senator Grace Poe, anak ng kilalang personalidad, ang renaming rites, kasama sina dating Senate President Tito Sotto III at Senator Lito Lapid. 

Pasisinayaan din ang bagong marker para sa screen icon, na 84 taong gulang na sana sa Linggo, maging pop-up exhibit para kay FPJ sa event.

“I hope people remember FPJ whenever they board this train. Public service has always been in FPJ’s heart. Giving commuters a safe and comfortable ride is a way of keeping his legacy alive,” sabi ni Poe said.

Dadalo rin umano sina Transportation Secretary Jaime Bautista at LRT Management Corporation president and CEO Juan Alfonso sa event, ayon sa senador.

Ito ay makalipas ang isang taon nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nagpapalit ng pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City sa ngalan ng pumanaw na Filipino screen icon. 

Bumida si FPJ sa mahigit 300 pelikula, sa kanyang 46 taon sa entertainment industry. Dahil dito, kinilala siya bilang “King of Philippine Movies.” 

Matatagpuan ang dating tahanan ng National Artist sa kahabaan ng 2.9-kilometer Roosevelt Avenue, sa pagitan ng EDSA at Quezon Avenue. RNT/SA

Previous article2 pang suspek sa pagpatay sa propesor arestado
Next articleKim, ipatatawag daw ng MTRCB dahil sa ‘vibrator’!