Roque sa mga kritiko vs ‘beating UP’ remark: Slow sila to gets

Roque sa mga kritiko vs ‘beating UP’ remark: Slow sila to gets

July 1, 2020 @ 9:12 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – “Medyo slow sila to gets.”

Ito ang patutsada ni presidential spokesperson Harry Roque sa mga bumatikos sa kanya kaugnay sa naging reaksyon niya sa pagkapanalo laban sa prediksyon ng University of the Philippines sa coronavirus disease o COVID-19 cases.

“Medyo-medyo slow sila to gets, ‘no? Hindi po talaga UP ang kalaban,” ani Roque sa isang panayam.

Giit ni Roque, nananatiling kaaway ang COVID-19.

“Ang kaaway po natin ay COVID-19, kaya lang po ginagamit ng UP ang mathematical models para mag-forecast kung ilan sa atin ang magkakaroon ng COVID-19,” paliwanag nito.

Maaalalang sa kanyang briefing kahapon, June 30, binati niya ang publiko dahil hindi umabot sa 40,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kontra sa sinabi ng UP.

“Panalo na tayo. We beat the UP prediction po. We beat it, so congratulations Philippines. Let’s do it again in July. We are winning.” RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...