Home NATIONWIDE Roque Verzosa itinalagang bagong LTO-NCR chief

Roque Verzosa itinalagang bagong LTO-NCR chief

267
0

OPISYAL na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Roque Verzosa III bilang regional director ng Land Transportation Office – National Capital Region (LTO-NCR).

Ang hakbang na ito ay kasabay ng pagsasama ng West at East offices ng LTO sa Kalakhang Maynila.

Bago pa ang kanyang appointment, nagsilbi si Verzosa bilang regional director ng LTO-NCR West bilang officer-in-charge.

Nanumpa naman sa kanyang tugkulin si Verzosa, araw ng Lunes sa harap ni Transportation Secretary Jaime Bautista.

Advertisement

“Lalo pa natin paiigtingin ang pagtatrabaho sa ating hangarin na mapaglingkuran ang ating mga kababayan,” ani Verzosa.

Nauna rito, nagsanib-puwersa na ang LTO-NCR East at LTO-NCR West at naging isang regional office.

Sakop ng bagong set-up ang 65 field district offices, extension offices, licensing centers kabilang na ang mga outlets sa malls. RNT

Previous articleDLSU nanguna sa chemical engineering licensure exam
Next articleNAPOCOR uutang ng P10B sa Landbank bunsod ng mahal na presyo ng diesel

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here