Home HOME BANNER STORY Roro tumagilid sa Romblon

Roro tumagilid sa Romblon

309
0

MANILA, Philippines – Tumagilid ang isang Roro/passenger vessel sa baybayin ng Barangay Nasunugan, Banton, Romblon madaling araw ng Linggo, Hulyo 16.

Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG), na base sa ulat ni Captain Elmo Sumocol na ang MV Maria Helena ng Montenegro Shopping Lines Inc. na may sakay na 93 pasahero kabilang ang mga drivers at 34 crew ang barko.

Sakay din ng barko ang 16 rolling cargoes nang mangyari ang insidente sa layo na100 metro mula sa pampang ng nasabing baybayin.

Ayon sa kapitan ng barko, tumagilid ang barko sa kaliwang bahagi nito matapos pumutok ang isang gulong ng isa sa mga rolling cargo kung saan natanggal o nasira ang lashing nito.

Bunsod nito, nagkaroon ng imbalance o paggalaw ng mga rolling cargoes dahilan para tumagilid at pinasok din ito ng tubig.Sa kanyang kumpirmasyon, walang butas o crack ang barko .

Maagap namang naibaba ang mga pasahero gamit ang lifeboat.

Tumulong din ang PCG team at mga lokal na pampasaherong bangka upang ligtas na maibaba ang mga pasahero.

Dinala sila sa Barangay Nasunugan Covered Court upang suriin ang kanilang kalagayan at para sa karagdagang tulong.

Gayunman, ilan sa mga drivers ang nanatili sa barko upang bantayan ang kanilang rolling cargoes kasama ang 32 crew members na patuloy na minomonitor at i-assess ang kalagayan ng barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article3 reporter hinaras ng parak; Media task force mag-iimbestiga
Next article‘Bagong Pilipinas’ na brand of governance ni PBBM inilunsad!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here