MANILA, Philippines – Pansamantalang isasara sa trapiko ang Roxas Boulevard sa Hunyo 12 upang bigyang-daan ang mga aktibidad sa selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), parehong isasara simula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga ang kapwa northbound at southbound lanes mula T.M. Kalaw hanggang P. Burgos Streets.
Samantala, isasara rin ang Katigbak Parkway, South Road at Independence Road simula 12:01 ng madaling araw hanggang alas-10 ng gabi para sa civic-military parade.
Ang mga apektadong trak patungong North Habor ay inaabisuhan naman na dumaan sa OsmeƱa Highway patungong Quirino Avenue, Nagtahan Bridge, Lacson Avenue, Yuseco Sreet., Capulong Street at R-10 Road hanggang sa destinasyon.
Magtatalaga naman ang MMDA ng mga traffic enforcer upang umasiste sa mga maaapektuhang motorista sa pagsasara ng kalsada. RNT/JGC