RT-PCR licensed labs sa bansa, umabot na sa 34; Doubling time ng pagkalat ng COVID-19, 7 araw na

RT-PCR licensed labs sa bansa, umabot na sa 34; Doubling time ng pagkalat ng COVID-19, 7 araw na

May 28, 2020 @ 6:52 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Mayroon nang 34 na RT-PCR licensed laboratories ang bansa na nasa stage 5 na, ayon sa Kagawaran ng Kalusogan.

Habang nasa 105 naman ang bilang ng laboratoryo na nasa Stage 3 pataas, bukod pa dito ang siyam naman ang GeneXperts laboratories ang lisensyado na.

Nasa 125 pa ang laboratory application na nais magkaroon ng lisensya para makapagsagawa ng COVID-19 testing.

Inaasahan na ang nasabing mga labotoryo ay makakatulong sa pagsasagawa ng RT-PCR test para sa COVID-19.

SAMANTALA, sinabi naman Health Usec Maria Rosario Vergeire na bumagal ang rate ng transmission ng coronavirus disease sa bansa.

Paliwanag ni Vergeire, base aniya sa kanilang pag-aanalisa noong bago mag-ECQ aniya ay nasa dalawa hanggang tatlong araw na kaso ng doubling time ngunit nang ipatupad ang ECQ ay humaba ang doubling time sa limang araw, at ngayon ay ngayon ay nasa pitong araw na ito.

Ito ang inihayag ng DOH kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases’ para luwagan na ang quarantine measure sa Metro Manila sa Hunyo 1.

Batay sa mga datos ng DOH, ang NCR pa rin ang may pinakamataas na naitatalang COVID-19 cases sa bansa kung saan kabilang ito ngayon na nasa ilalim ng ECQ. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...