Home ENTERTAINMENT Ruffa, nag-alala kay Ylmaz sa lindol!

Ruffa, nag-alala kay Ylmaz sa lindol!

79
0

Manila, Philippines – Seven point eight ang intensity ng lindol na yumanig sa Turkey nitong February 6.

Tinatayang labing anim na libong katao as of this writing ang nasawi sa guho.

Dahil dito’y natanong si Ruffa Gutierrez kung ano ang kanyang reaksyon.

Matatandaang nagsilbing tahanan ni Ruffa ang nasabing bansa noong nagsasama pa sila ng Turkish husband na si Ylmaz Bektas.

Ayon kay Ruffa, nakausap daw ng isa sa dalawang anak nila ni Ylmaz ang dating karelasyon.

Sina Lorin at Venice ang mga supling nila ni Ylmaz.

Nakausap din mismo ni Ruffa si Ylmaz ilang oras bago ang lindol.

Ayon daw kay Ylmaz ay hindi pa raw nito nakokontak ang kanyang mga kamag-anak.

Humihingi si Ruffa ng panalangin para sa mga mamamayang apektado ng naturang kalamidad at nagpaabot ng kanyang pakikiramay sa mga namatayan.

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, open ang communication lines sa pagitan ng aktres at dating asawa.

Noong isang taon ay nakapagbakasyon pa sina Lorin at Venice sa Turkey na muling nasilayan at nakapiling ang ama pagkatapos ng maraming taon.

Kamakailan ay nagpost pa si Ruffa ng pagbati sa isang anak ni Ylmaz na may kalakip na lumang larawan nito at nilang mag-iina.

Nausisa si Ruffa sa mediacon ng pelikulang Martyr or Murderer na sequel ng blockbuster na Maid in MalacaƱang.

Ruffa plays Imelda Marcos in the film written and directed by Darryl Yap. Ronnie Carrasco III

Previous articlePanuntunan sa ‘Padyak Paranaque sa Kalusugan’ inilabas
Next articleFaith, umaming bet si Albert, tinabla!