Home ENTERTAINMENT Ruffa, nagsalita sa isyung buntis!

Ruffa, nagsalita sa isyung buntis!

Manila, Philippines – Walang ibang aktor-pulitiko ang inuugnay kay Ruffa Gutierrez kundi si Herbert Bautista.

Kaso, nag-“level up” na ang tsismis tungkol sa dalawa.

Idinaan muna sa blind item ang umano’y actor-politician who got Ruffa pregnant.

Isang aktor-pulitiko raw.

But technically, Herbert is no longer in public service.

The last government post he held ay mayor ng Quezon City.

He would have still been in politics had he made it to the senatorial elections, kaso’y hindi.

Of late, wala ring balita tungkol kina Ruffa at Herbert.

Are they an item? Kumpirmado na bang sila na as in officially on?

Ipinadala ni direk Daryl Yap ang screen shot ng tanong kay Ruffa kung buntis siya.

Bago sagutin ang tanong ng netizen ay nangumusta muna ang aktres sa kanyang direktor sa blockbuster film na Maid in MalacaƱang at Martyr or Murderer?

“Direk, I miss you! When are you free for dinner?” pasakalye ni Ruffa saka bumaling sa tanong.

“Grabe! ‘Kakaloka. I still have a monthly period but I don’t think I’m pregnant!” followup post ni Ruffa.

In short, there’s no truth to rumors that Herbert got her pregnant.

Kung totoo man, hindi ang tipo ni Ruffa ang maglilihim tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Maliwanag din na hindi pa menopause ang aktres dahil dinadatnan pa siya buwan-buwan. Ronnie Carrasco III

Previous articleEmpoy, nambastos?
Next articleFirst hollywood film ni Liza, ipalalabas na!