Home ENTERTAINMENT Ruffa, takot maging 50!

Ruffa, takot maging 50!

Manila, Philippines – Nagkaroon ng advance birthday celebration si Ruffa Gutierrez.

Bale sa June 24 pa ipagdiriwang ni Ruffa ang kanyang 50th birthday.

But she opted to celebrate it nitong June 10.

Bahagi ng kanyang Roof a Child ang outreach program niya para sa Kids for Jesus Foundation.

With her twin brothers Richard and Raymond and some friends, nag-distribute ng mga regalo si Ruffa para sa mga bata.

Aniya, it was her way of expressing gratitude for all the blessings coming her way.

Pinasalamatan din ni Ruffa ang kanyang pamilya.

Pero alam n’yo bang may kakaibang takot ang nararamdaman ni Ruffa as she turns quinquogenarian (50 up to 59)?

Hindi naman niya ipinaliwanag kung bakit pero mismong ang long-time friend niyang si Karla Estrada ang nagbisto nito.

Ginawa ni Karla ang pambubuko kay Ruffa sa mismong 50th birthday party ng kaibigan din nilang si Marjorie Barretto recently.

Na-stress daw si Karla nang sabihin ni Ruffa na: “We’ll turn 50 na!”

Hindi na nakatiis si Karla na nagkuwentong Ruffa called her up.

Pinakalma lang ni Karla si Ruffa by saying na okey lang i-embrace nila ang kanilang edad.

At 50 nga naman ay wala ‘yon sa kanilang hitsura lalo pa’t napapanatili nilang young-looking ang kanilang mga sarili.

Oo nga naman, as the cliche goes: Age is just a number.

Idagdag pa na it’s not about the age but rather the mileage! Ronnie Carrasco IIi