Redundant as it may sound, ang tinutumbok ng pangungusap na ito’y ang Starstruck alumnus na si Ruru Madrid, starstruck kay Senator Robin Padilla.
Aminado ang younger actor na naadik siya noon sa panonood ng mga pelikula ni Binoe.
Lahat daw ng mga pelikula nito on VHS ay nirerentahan niya.
Pero kung may ilan dito ang bet ni Ruru na magbida sa remake if ever, his choices would be Maging Sino Ka Man at Baby Ama.
Super idol daw ng Kapuso actor si Robin to the point na naikukuwento niya ang kanyang paghanga rito sa anak nitong si Kylie Padilla.
Patunay ngang super fan siya ni Robin ay nang makita raw niya ito in the flesh.
Ani Ruru, sa sobra nga raw ng pagiging starstruck kay Robin ay hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Tingin daw ni Ruru kay Robin ay hindi ito tao.
Samantala, speaking of VHS, for sure ay marami pa ang nakakaalala sa Video City.
Ito ‘yung video rental shop ng Viva na sikat na sikat nòong dekada 90.
Ito rin ang pamagat ng romcom movie na pagsasamahan for the first time nina Ruru at Yassi Pressman.
Kuwentong time travel ang nakapaloob dito.
Bagama’t shoot of the collaborative project between GMA Pictures and Viva Films has yet to start, para promong-promo ang dating nito’y inamin kapwa nina Yassi at Ruru na madalas silang magrenta ng VHS sa Video City noong araw.
Kung action ang tema na bet ni Ruru, romantic drama naman ang preference ni Yassi.
Dahil matagal nang magkakilala, parehong excited sina Ruru at Yassi to work together. Ronnie Carrasco III