Home ENTERTAINMENT Ruru, pinagsabihan ni Ipe!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ruru, pinagsabihan ni Ipe!October 31, 2023 16:46 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – “Tatay Ipe” ang nakasanayan nang itawag ni Ruru Madrid kay Phillip Salvador.Kung matatandaan, Ipe stood as one of the mentors of GMA’s artista search Protege.Dito produkto si Ruru who was mentored by Phillip.Many years later nga’y nagkrus ang landas ng dalawa.Doon ‘yon sa ipinatawag na pagpupulong ni Senator Robin Padilla among his colleagues para talakayin ang Eddie Garcia bill.Tsansa na rin ‘yon ni Ipe para “pagsabihan” ang kanyang minanok sa Protege.Aware pala ang veteran actor how Ruru has evolved as an actor na nalilinya sa action.Kaya naman hayagang sinabi ni lpe na deserving ang 25 anyos na Primetime Prince ng GMA.Sabi raw nito kay Ruru: “Napapanood kita. Okey ang ginagawa mo, pero gumawa ka ng matitinding action scenes, matitinding fight scenes!”Isa lang daw ang huwag kaliligtaan ni Ruru: ang lagyan ng ”puso” ang bawat karakter a ginagampanan niya.Kahit daw kasi nalilinya sa action ay hindi mawawala ang elemento ng drama.Kung flattered at touched si Ruru sa papuri ng kanyang Tatay Ipe ay gusto namang lumubog ang batang aktor for the praise heaped on him by Robin.Kuwento ni Ruru, may kausap that time si Robin sa meeting na ‘yon with industry colleagues nang tawagin daw siya nito para lumapit.Ang intro raw ni Robin sa kanya du’n sa kausap niya ay: “This is Ruru, ang action star ng makabagong panahon!”Coming from Robin, himself a topnotch action star ay sobrang na-overwhelm daw si Ruru.Same with Coco Martin who Ruru came face to face at the said meeting, napapanood din daw siya nito.At dahil magkabanggaan ang kanilang respective primetime shows, inamin daw ni Coco na pinaghandaan niya si Ruru.Makasilat kaya si Ruru in toppling Coco’s consistent top-rating teleserye?Makapuntos kaya ang Black Rider kung saan napapayag mag-guest si Ipe?Tingnan natin kung uubra ang Primetime Prince ng GMA versus Primetime King ng ABS-CBN! Ronnie Carrasco III