Home HOME BANNER STORY Ruta ng Traslacion 2024 inilabas na

Ruta ng Traslacion 2024 inilabas na

MANILA, Philippines – Inilabas na ng pamunuan ng Quiapo Church ang ruta ng prusisyon para sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9, 2024.

Mula Quirino Grandstand, kanan sa Katigbak Drive at kakanan sa Padre Burgos St , patungong Finance Road saka diretso sa Ayala Bridge.

Pagsapit sa tulay ay kakakiwa naman sa Palanca St., kanan sa Quezon Boulevard; kanan sa Arlegui Street; kanan sa Fraternal Street; kanan sa Vergara Street.

Kaliwa sa Duque de Alba Street; kaliwa sa Castillejos Street; kaliwa sa Farnecio Street; at kanan sa Arlegui Street Saka kakakiwa sa Nepomuceno Street; kaliwa sa Concepcion Aguila Street at kanan sa Career Street.

Sunod ay kakanan sa Hidalgo at Plaza del Carmen ; kaliwa sa Bilibid Viejo patungo ng Gonzalo Puyat; kaliwa sa J.P de Guzman Street at kanan muli patungong Hidalgo Street.

Kaliwa sa Quezon Boulevard ; kanan sa Palanca Street at dadaan sa ilalim ng Quezon Bridge ; kanan sa Villalobos papuntang Plaza Miranda hanggang sa Quiapo Church. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article15K deboto sumama sa Thanksgiving procession ng Nazareno
Next articleOperating hours ng LRT2 pinaikli ngayong bisperas ng Bagong Taon