Home ENTERTAINMENT Ryan, naging ‘dentista’ sa anak!

Ryan, naging ‘dentista’ sa anak!

Manila, Philippines – Perhaps had he not become a TV host-actor, Ryan Agoncillo would have ended up being a successful dentist.

Napabilib kasi ni Ryan ang mga kapwa niya celebrities nang bunutin nito ang umuugang ngipin ng bunsong anak nila ni Judy Ann Santos.

Isang maikling video ang ipinost ng couple showing Ryan pulling their youngest child Luna’s tooth.

Si Judy Ann bale ang nagsilbing “dental assistant” ni Ryan habang binubunot ang ngipin ng anak gamit ang dental floss.

Nakakabilib ngang naitawid ni Ryan ang dental job!

“Good job, daddy!” post ni Judy Ann na napabilib sa husay ng mister.

Even Angelica Panganiban and Iza Calzado couldn’t help but marvel at Ryan’s “tooth extraction prowess.”

Ayon kay Angelica, alam na raw niya kung saan dadalhin ang anak na si Amila Sabine o Baby Bean kung kailangang bunutin ang ngipin nito.

Post naman ni Iza, mukhang kailangan niya munang kumuha ng dental appointment pag ang anak naman niyang si Deia ang isasalang para bunutan.

Even Ryan’s co-hosts in Eat Bulaga have also expressed their admiration for him.

Teka, frustrated dentist nga ba si Ryan? Ronnie Carrasco III

Previous articleApo dinonselya ng 72 anyos na lolo, himas-rehas
Next articleAnjo at Jomari, bati na!