Home HOME BANNER STORY S. China Sea, Myanmar, Gaza tinalakay ng Pinas, Indonesia sa ministerial meet

S. China Sea, Myanmar, Gaza tinalakay ng Pinas, Indonesia sa ministerial meet

MANILA, Philippines- Nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia na palakasin ang pagtutulungan para tugunan ang “common challenges” at “global concerns” sa isinagawang 7th Joint Commission for Bilateral Cooperation (JCBC) sa Maynila, araw ng Martes.

Pinangunahan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi ang JCBC bago pa dumating si Indonesian President Joko Widodo para sa kanyang 3-day official visit sa Maynila.

Ang huling JCBC meeting sa pagitan ng Pilipinas at Indonesian foreign ministers ay idinaos noong 2014.

Sa isang post-meeting statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang JCBC ay magsisilbi bilang pangunahing dialogue mechanism sa pagitan ng dalawang bansa para rebisahin ang accomplishments o mga nagawa sa mutual collaboration initiatives.

Pinag-usapan ng mga nagpartisipa sa JCBC ang progreso ng Philippine-Indonesia Plan of Action kung saan sakop ang political at security, border issues, regional at global issues, economic cooperation, sociocultural at people-to-people exchange, at judicial at consular matters sa pagitan ng dalawang bansa.

“We committed to continue implementing our Plan of Action towards further elevating our bilateral relations to new heights, especially as we mark the 75th anniversary of Philippines-Indonesia diplomatic relations this year,” ayon kay Manalo.

Idinagdag din ni Manalo na pinapayagan ng JCBC ang dalawang foreign ministers na magpalitan ng pananaw sa mga “key challenges.”

“The current geopolitical challenges both within and beyond our region continue to have an impact in our political security and economic interest,” dagdag niya.

Tinuran pa  ni Manalo na kabilang sa mga usapin ng mutual concern ay ang tensyon sa West Philippine Sea, krisis sa Myanmar, at giyera sa Gaza.

Para naman kay Indonesian Foreign Minister Marsudi, binigyang-diin nito ang kahandaan ng Jakarta para mag-cooperate sa pagtiyak ng mapayapa at matatag na South China Sea.

“Indonesia is ready to work together with all ASEAN member states to finalize the code of conduct as soon as possible in maintaining peace and stability in the South China Sea,” ayon kay Marsudi.

Inihayag din ng Indonesian top diplomat ang alalahanin nito sa lumalalang sitwasyon sa Gaza dahil sa Israel-Hamas war.

“We are also alarmed by the humanitarian crisis in Palestine especially in Gaza where more than 23,000 people have been killed, and most of them are women and children,” dagdag na pahayag ni Marsudi.

“Israel’s atrocities must be stopped. The position of Indonesia is clear and consistent to defend justice and humanity for Palestine,” pagpapatuloy nito. Kris Jose

Previous articlePAGASA: Temperatura sa Marso-Mayo posibleng pumalo sa 40 °C
Next articlePagbaril sa supervisor kinondena ng DepEd