MANILA, Philippines- Niyanig ng 3.8 magnitude na lindol ang South Cotabato ngayong hapon, May 24 (Miyerkules), iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs naramdaman ang Intensity 1 sa T’Boli, South Cotabato, dakong alas-4:14 ng hapon.
Sinabi pa ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 001 kilometro.
Samantala, kaugnay nito ay naramdaman ang 3.0 magnitude na lindol sa Camarines Sur kaninang alas-4:21 ng hapon.
Sinabi ng Phivolcs na naitala ang Intensity 2 sa Pili, Camarines Sur, habang naramdaman naman ang Intensity 1 sa Sipocot, Camarines Sur.
Nabatid sa ulat na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lokasyon ay sa kanluran ng Pili, Camarines Sur habang ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 023 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa dalawang magkasunod na lindol na naganap. Santi Celario