MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese Premier Li Qiang na itutuloy ng Pilipinas na isulong ang pakikipagtulungan sa China at makatrabaho at makasama ito para sa mas maraming ‘partnerships at collaboration.’
Ito ‘y sa kabila ng naging pagpuna ng Pilipinas sa “coercive activities’ ng China sa South China Sea.
Ang dalawang Asian leaders ay nagpulong sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China Summit, kung saan binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan para sa code of conduct sa South China Sea na naka-angkla sa international law.
“The President said that the Philippines will continue to push for cooperation with China and work towards more partnerships and collaboration,” ang nakasaad sa kalatas ng Presidential Communications Office (PCO).
“He earlier said that he is pleased with the latest developments in the negotiations for a Code of Conduct (COC) in the South China Sea and that the Philippines will assert its rights in accordance with international law,” dagdag pa ng PCO.
Sa ilang okasyon sa panahon na isinagawa ang ASEAN Summit sa Jakarta, binanggit ni Pangulong Marcos ang concerns o alalahanin sa “hegemonic ambitions” sa South China Sea, at hinikayat ang iba pang Southeast Asian leaders na maghanap ng “practical” solutions para protektahan ang interest ng regional bloc sa the strategic waterway.
Samantala, isang linggo bago ang ASEAN Summit, ginulantang ng China ang maramaing bansa matapos na gamitin nito ang 10-dash line map na nagpapakita na ang buong South China Sea ay teritiryo ng Beijing.
Inulan naman ng batikos ang China sa bagay na ito. Kris Jose