Home HOME BANNER STORY Sa kabila ng ‘shadowing at dangerous maneuver incidents’ freedom of navigation sa...

Sa kabila ng ‘shadowing at dangerous maneuver incidents’ freedom of navigation sa SCS ‘di naging isyu – China embassy

MANILA, Philippines – Sa kabila ng mga ulat na pagbuntot at delikadong maniobra ng Tsina sa mga dumaraang vessel, walang kailanman naging isyu ang “freedom of navigation” sa pinagtatalunang South China Sea.

Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, ang kasalukuyang situwasyon sa South China Sea ay “generally stable” matapos sabihin ni German Foreign Minister Annalena Baerbock, sa pagbisita nito sa Pilipinas na ang nangyari sa pinagtatalunang katubigan ay isang “a concern” para sa Europa.

Winika ng embahada na hindi ito ‘satisfied’ at pinalagan ang “disinformation, misrepresentation and distortion of truth” ni Baerbock nang magpahayag ito ng “unwarranted accusation” laban sa China nang tukuyin nito (Baerbock) ang mapanganib na “laser pointing at water cannon attacks” ng Tsina.

Tinuran pa ng embahada na “the headwinds being encountered there only are indeed the deliberate intervention of external forces intending to sow discord among regional countries.”

Binasura rin ng embahada ang ideya ng rules-based international order sabay sabing para sa kanila ito lamang ay “essentially a set of ‘house rules’ established by a few western countries to contain and suppress other countries.”

Winika ng embahada na mayroon lamang nag-iisang international system, at iyon ay sa United Nations.

“There is only one international order, i.e. the international order underpinned by international law. And there is only one set of rules, i.e. the basic norms governing international relations underpinned by the purposes and principles of the UN Charter,” ayon sa embahada.

“China advocates equality among all countries, big or small. We call on countries around the world to work together to address challenges, resolve differences through dialogue and consultation, and promote the building of a community with a shared future for mankind,” dagdag na wika nito.

Bagama’t karamihan sa nakikita ng ibang bansa na aksyon ng Tsina ay mapanganib gaya ng mapanganib na pagmamaniobra at makailang ulit na pag-atake gamit ang water cannon, sinabi ng embahada na ang “China did not cause the recent maritime incidents.”

“China has taken necessary measures to safeguard its territorial sovereignty and maritime rights and interests,” ayon sa embahada.

“At the same time, we are committed to properly handling disputes with the Philippines through dialogue and consultation with the aim of jointly maintaining peace and stability in the South China Sea. No non-regional country has the right to interfere in the maritime disputes between China and the Philippines,” dagdag na wika nito. Kris Jose

Previous articleTulak swak sa P.2M tobats
Next articlePanibagong transport strike kasado sa Enero 16 – Manibela