Home METRO Sa listong residente, paslit nasagip sa human trafficking

Sa listong residente, paslit nasagip sa human trafficking

81
0

MANILA, Philippines – NASAGIP mula sa human trafficking ang sampung taong gulang na biktima na napaulat na nawawala at huling nakita noong Hulyo 27, 2023.

Arestado naman ang suspek na kinilalang isang nagngangalang James C. De Mesa na pumilit sa menor de edad na biktima na manlimos ng pera para ibigay sa suspek.

Bago ang rescue operation ng mga pulis, dumulog ang ina ng biktima sa Investigation and Detective Management Section ng Paranaque City Police Station.

Agad na kumilos ang kapulisan, pinayuhan ang ina ng biktima na ilagay ang litrato ng suspek at detalye ng pagkakakilanlan ng biktima sa mga social media platforms.

Dahil dito ay naalerto ang komunidad at sa pamamagitan ng komento ay tuluyang nakilala ang suspek.

Isang listong residente ng Pulang Lupa Uno, Las Pinas City, ang nakakita sa suspek na kasama ang biktima kaya nagsumbong sa mga opisyal ng barangay.

Nagsagawa ang mga tauhan ng Parañaque CPS ng rescue operation alinsunod sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na nagresulta sa pagkakadakip kay De Mesa, at pagkakasagip sa biktima noong Agosto 5, bandang 3:00 ng hapon sa Tramo Street, Evergreen Barangay Pulang Lupa Uno, Las Pinas City.

“This operation demonstrates the tireless dedication of law enforcement personnel to the well-being of the community. Their rapid response and unwavering commitment to justice signify the strength of their morale and the positive impact it has on society,” sabi ni Southern Police District Director PBGen. Roderick D. Mariano. Dave Baluyot

Previous articlePagtatayo ng 2 TESDA training hubs sa Bicol isinusulong sa Kamara
Next articleAnak na tutol sa bagong asawa ng ina, patay sa hataw

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here