Manila, Philippines – Mismong si Bossing Vic Sotto ang madalas maringgan ng: “Age is just a number.”
Para kasing big deal sa tuwing magdiriwang siya ng kaarawan.
Pero hindi na nga isyu ang edad sa veteran TV host-comedian.
In the same manner na non-issue rin sa dati niyang asawa na si Dina Bonnevie ang edad.
Dina celebrated her 61st birthday recently without much fanfare.
Pero sino ang magsasabing isa na siyang senior citizen?
Hindi man kasi pinangalanan sa kanyang podcast, mahihinuhang ang tinutukoy ni Alex Gonzaga na “matandang artista” na tinarayan daw siya mula ulo hanggang paa while working on a TV project ay si Dina.
Magkasama sina Dina at Alex sa teleseryeng PS I Love You ng TV5 noong 2011.
Nauna rito, noong 2019 ay natanong si Dina sa presscon kung may nakatrabaho na siya na umastang prima donna.
Bagama’t hindi rin tinukoy ni Dina kung sino, inamin niyang she gave that actress hell.
Putting both stories together, lumabas ngang sina Dina at Alex ang mga bida sa kanilang kuwentong idinaan sa blind item.
Sa guesting ni Dina sa Fast Talk with Boy Abunda nitong January 31, Lunes ay tinanong ni Boy if the actress got offended by such ŕeference bilang matandang artista.
Sagot ni Dina: “No, it’s true na matanda na ako. I’m 61 but I’d like to see people at 61 still looking fresh. Sorry Boy, but I feel fresh and I think I look fresh.”
Hindi raw ang isyu ng edad ang kinainisan ni Dina kundi ang palabasing she was the “bad guy.”
Depensa niya, such statement made her look bad: “That means I was just inventing stories. No, I was telling the truth. Pero tapos na ‘yon. Hindi ako galit kay Alex.”
From any film producer’s point of view, magandang ideyang pagsamahin sina Dina at Alex sa isang pelikula dahil sa isyung kinapalooban nila.
Pre-sold na ang pelikula no need to spend too much on publicity! Ronnie Carrasco III