Home HOME BANNER STORY Sa revised IRR ng Maharlika, PBBM maaaring tumanggap at tumanggi ng board...

Sa revised IRR ng Maharlika, PBBM maaaring tumanggap at tumanggi ng board nominees

MANILA, Philippines – IPINALABAS ng Malakanyang ang  revised o binagong implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act, araw ng Sabado, Nobyembre 11.

Kabilang sa mga pinaka-kapansin-pansin sa binagong IRR ng MIF law ay bigyan ng kapangyarihan at karapatan ang Pangulo na tumanggap o tanggihan ang nominado na isinumite ng  Maharlika Investment Corp.’s (MIC) Advisory Body para sa posisyon ng pagka-pangulo at chief executive officer (PCEO), regular, at independent directors  ng  MIC Board.

Nakasaad sa Seksyon 30 ng revised IRR ng MIF law na  “the President may either accept or reject the recommendation of the Advisory Board: and, provided, finally, that, the President may require the Advisory Body to submit additional names of nominees.”

Nakasaad pa rin sa kaparehong seksyon na dapat na magsumite ang  Advisory Body sa Office of the President ng listahan ng mga bakanteng  regular at independent directors at  PCEP positions.

Sa naunang bersyon ng IRR,  limitado ang gagawing pagpili ng Pangulo sa kung sino ang kanyang itatalaga sa  MIC Board na inilista ng Advisory Body.

Partikular na rito, nakasaad sa  Seksyon 23  ng naunang IRR, na ang regular directors ng MIC “shall be appointed by the President upon recommendation of the Advisory Body.”

Sa kabilang dako, ang Advisory Body para sa  MIC ay binubuo ng mga Kalihim ng  Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), at Treasurer of the Philippines.

Nauna rito, pinag-utos ni Pangulong Marcos  ang suspensyon ng IRR ng kontrobersyal na Maharlika Investment Fund.

Ito ay matapos na ilabas ang memorandum ng Office of the Executive Secretary na may petsang Oktubre 12 ang suspensyon ng IRR ng naturang batas sa Bureau of Treasury, Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP).

Nakasaad sa memorandum na nais ni Pangulong Marcos Jr. na magkaroon muna ng mas maha­ba at malalim na pag aaral sa naturang batas.

Bukod dito, nais din ng pangulo na malinaw na mailatag muna ang mga safeguards para maging bukas ito o transparent at magkaroon ng pananagutan o accountability.

Hindi naman nagtagal ay nagbigay ng paglilinaw ang Pangulo ukol sa ulat na sinuspinde niya ang implementasyon ng IRR sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sinabi nito na itutuloy pa rin ang MIF law taliwas sa mga naunang naglabasang balita.

Bilang patunay ay target umano ng Presidente na ma­ging operational ang Maharlika bago matapos ang 2024.

“So we should not misinterpret what we have done as somehow as a judgment of the rightness or wrongness of the Maharlika fund. On the contrary, we are just finding ways to make it as close to perfect and ideal as possible, and that is what we have done,” pahayag ni  Pangulong Marcos.

Iginiit pa ng Chief Executive na  na patuloy ang ginagawa nila para mas maging perpekto at ideal ang naturang batas. Kris Jose

Previous article14 Pinoy, 9 Palestinian na tumawid sa Rafah border nakarating na sa Cairo
Next articlePH digital economy posibleng lumago sa $35B sa 2025 – Publicis Sapient