Sa trial: HIV treatment, walang talab sa hospitalized COVID-19 patients

Sa trial: HIV treatment, walang talab sa hospitalized COVID-19 patients

June 30, 2020 @ 8:03 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

United Kingdom – Walang epekto ang ginamit na antiviral drugs na lunas sa HIV sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sumalang sa large-scale randomized trial, ayon sa mga British scientist sa kanilang RECOVERY trial sa University of Oxford.

“Convincingly rule out any meaningful mortality benefit of lopinavir-ritonavir in the hospitalised COVID-19 patients we studied,” saad sa resulta.

Napag-alaman ng mga siyentista na walang pinagkaiba ang mortality at haba ng araw sa ospital nang ikumpara ang 1,596 pasyente sa 3,376 pasyente na binigyan ng lopinavir-ritonavir.

Ang Kaletra ng AbbVie Inc ay kombinasyaon ng lopinavir at ritonavir.

“These preliminary results show that for patients hospitalised with COVID-19 and not on a ventilator, lopinavir-ritonavir is not an effective treatment,” lahad ni Peter Horby, chief investigator ng trial.

Sa ulat, pinag-aaralan na ang anim na posibilidad para sa gamot kontra COVID-19 ng Oxford-based RECOVERY trial kung saan may 11,800 pasyente ang naka-enroll. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...