Home ENTERTAINMENT Sabi ng feng shui expert: Kim at Paulo, di swak!

Sabi ng feng shui expert: Kim at Paulo, di swak!

Manila, Philippines- Fat chance para sa mga sumusuporta sa for real na relasyon sa pagitan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Wala kasing aasahan ang mga ito kundi nganga!

Ito’y ayon na rin sa feng shui expert at traditional Chinese medicine practicioner na si Jean Yu Chua.

Totoo raw na hindi lucky year para kay Kim ang nagdaang taon.

Latter part nga naman ng 2023 nang mag-break sila ng nobyo of 12 years na si Xian Lim.

But 2024, being the Year of the Wood Dragon, augurs well for Kim.

But with Paulo as her partner? Malabo raw mangyari.

Ayon kay Chua, ibinabase lang niya ‘yon according to Kim’s and Paulo’s birthyears.

Year of the Dragon daw si Kim, samantalang sa Year of the Horse naman isinilang si Paulo.

Put the Dragon and the Horse together ay maayos sana, but not on the personal level.

Simply put, ‘di sila swak as magdyowa!

Ipinaliwanag ni Chua ang priorities nina Kim at Paulo, at ‘yun ay nakasentro sa kanilang career.

Tulad halimbawa, ano pa ang maaari nilang ma-achieve this year, what investments can they get into, etc.

As friends naman daw ay swak sila.

Kumbaga, they compliment each other basta huwag lang hahaluan ng romantic side to it.

Kunsabagay, mukhang Kim is not yet ready to jump into another relationship.

Siya na rin ang nagsabing in a few months ay baka handa na siyang umibig muli.

Dagdag pa ng feng shui expert, hindi raw kailangang pine-pressure si Kim at si Paulo na balitang for the nth time ay split na kay Janine Gutierrez.

So, sa mga Kim-Paulo shippers…sorry to burst your bubble! Ronnie Carrasco III

Previous articleDom, nasa harap ng bahay ni Bea, nag-aabang!
Next articleLola tinodas sa mantika