SABWATAN (IKA-43 LABAS)

SABWATAN (IKA-43 LABAS)

June 28, 2020 @ 10:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

“Ha ha ha lasing na ang katrabaho mo hon.”

“No Farida, hindi nalalasing si Sir Herman.”

“Yes madam, nagsasabi lang ng totoo si Sir Herman (hik), and he mean what he says,” sabad pa ng isa.

Gayon nga nagkakasayahan pa rin ang lahat pero ang siste.

“Hon tulog na yata ang isa mong kasama,” turo ni Farida.

“Ah iyan si Mr. Cortez Farida. May edad na kaya mahina na ring uminom.”

Nangyaring hindi kinaya ng nasabing lasing ang sarili.

Gayon nga na kung kaya ay, “Akayin na lang natin si Mr. Cortez sa silid naming mag-asawa,” offer ni Primo.

“Nakakahiya naman yata sa iyo Primo.”

“No, Sir Herman. Napag-usapan na rin naman namin ito ni Mr. Cortez.”

Gayon na nga naisayos ang panauhin at ito ay matutulog sa silid ng mag-asawa.

“Pero paano naman ‘yan Primo? Kasama ba natin ang matandang ‘yan sa ating k’warto?” anas ng ginang sa asawa.

“Shhh! Hindi Faridahh (hik) sasamahan ko na lang sa silid si Mr. Cortez.”

“Ha, e ako?” bulong ni Farida.

“Shhh! Boses mohh (hik) do’n kahh muna sa k’warto ni Alfred. Dalawa naman ang higaan do’n.”

“Ah at lihim na nagpapitlag ang dibdib ng ginang pero hindi ito nagpahalata.

“O cheers Primo, Madam Faridahhh (hik) toast, an-noh ba ang pinagbubulungan ninyo?”

“‘Yung gagawin n’yo mamaya ha ha ha charot,” pakalog ng katrabaho.

Gayon nga at hindi pa rin natatapos ang kasayahan.
Sadya nga marahil na malakas ang loob ng lahat dahil Linggo kinabukasan.

Napansin na rin nila si Farida na nakahilig na sa asawa.

“O, Primo nalasing na yata ang esmi mo.”

“Ho huuuummmn hindi pa Sir Herman. Mga ten naman ako natutulog.”

“No no Mdam Farida mas kailangan mo (hik), ang beauty rest.”

“Oo, nga madam, baka hah ‘pag nabawasan ang beauty mo (hik) ipagpalit ka ni Primo charooot,” ang pakalog ng iba.

Pero si Primo na rin nga ang nagtaboy sa asawa, “Go to sleep hon baka matagalan pa ito. ‘Wag mo nang hintayin pa ang alas dyes.”

Ah at ang hinihintay na nga ng ginang.

Noon nga ay agad na nito ang pagsisipilyo ng ngipin.

ITUTULOY

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...