SABWATAN (IKA-ANIM NA LABAS)

SABWATAN (IKA-ANIM NA LABAS)

May 19, 2020 @ 10:23 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Tuloy nga ang gabay nito kay Alfred kung kaya ay nagsasabi siya sa asawa ng kung anuman ang maling nagagawa nito, gaya nga ngayon, “Alfred anak, ano na naman ba ang nabalitaan ko na nanuntok ka raw sa eskwela?”

“E, papa sino po ba ang nagsabi niyan sa iyo?”

“A basta sagutin mo ako. Bakit ka nanuntok,” usisa ng ama.

“Papa ipinagtanggol ko lang naman ang aking sarili.”

“At paano mo namang patutunayan ‘yan aber?”

” Papa napuno na kasi ako sa dalawang kaklase ko, palagi nila akong inaasar. Minsan nga nasasaktan na nila ‘ko.”

Lumalabas na pinagtanggol lang nga ang binatilyo sa sarili at naunawaan iyon ni Primo.
“Bakit hindi ka man lang nagpasabi?”

“Papa, ayaw na lang kitang maabala,” rason ni Alfred pero nakatingin ito ng masama sa kanyang stepmother.

“A, Alfred sinabi mo na lang sana sa akin kung ano ang tunay na pangyayari,” sabad ni Farida.

“Heh, ikaw siguradong nagsumbong,” galit na bulong ni Alfred kay Farida.

Nang mapagsolo ang mag-asawa ay natanto nilang hindi rin naman talagang kasalanan ng binatilyo ang lahat.

“Binata na nga ang anak ko, Farida.”

“Oo, Primo. Hindi ko rin akalain na magagawa niya ang ganoon.”

“Ganoon pa man, ‘wag mo siyang lulubayan Farida. Gaya ng pangako mo.”

“Oo, Primo. ” Iyon lang at humilig na sa balikat ni Primo ang asawa.

Minsan galing sa pamamalengke at nasa gate pa lang si Farida ay naulinigan niyang kasama ni Alfred ang mga katropa sa loob ng bahay.

Hindi naman agad pumasok ang ale na kung aalamin ay nakinig muna ito ng usapan sa loob.

Naalaman niyang nanonood pala ang mga ito sa ‘desktop computer’. Pero ang siste ay iba ang pinanonood ng mga kabataan.

“Naku hayun p’re nanlalaban ang babae.”

“Oo nga Betong, pero hay naku inginudngod nu’ng lalaki ang mukha sa keps nu’ng bebotsky.”

Natigilan si Farida sa mga naririnig. Malinaw nga na bold film ang pinagpipyestahan nila Alfred.

Gayunman ay tuloy sa pakikinig si Farida.

“Uy Alfred o kinakain na ang hiyas ng babae.”

“P’re bibigay rin ‘yan. Ibubukaka din niyan ang mga hita.”

“Doon nga ay napapamulagat si Farida sa tinuturan ng magkakatropa. Ipinasya nga ni Farida na buksan ang pinto ng sala.” ITUTULOY

Share

Leave a Reply

Loading...