SABWATAN (IKAPITONG LABAS)

SABWATAN (IKAPITONG LABAS)

May 20, 2020 @ 10:13 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Nabulaga man ay nakuha rin ng mga kabataan na isara ang pinanonoorang computer.

Inilalapag ng ale ang pinamili sa dining table.

“O, bakit pinatay n’yo na yata ang pinapanood n’yo sa computer? Ano ba ang pinanonood ninyo?” pakunwari ni Farida.

“E, wala iyon, computer game lang,” salo ni Alfred.

“Computer game nga kaya? ” pormal na tanong ni Farida.

Marahil ay nakadama ng hiya kaya nga isaisa ay nagsilisan ang barkada ni Alfred.

“E, sige po madam aalis na po kami.”

“Oo nga po Aling Farida saka na lang po uli,” paalam ng mga kabataan.

“O, e aalis na ba talaga kayo? Ano at nakatingin pa kayo sa ‘kin?” sipat ni Farida sa sarili.

“Hala bumalik na lang kayo sa susunod,” dagdag nito.

Nagkasarilinan ang dalawa.

“Alfred, sana naman ‘wag ka masyadong paiimpluwensya sa mga kaibigan mo.”

“Bakit ano ba ang masama sa mga kaibigan ko?”

“Alfred, anak alam ko kung ano ang pinanonood n’yo.”

“Oo alam kong alam mo. Malamang nga ginagawa rin sa’yo ni papa ang narinig mo kanina.”

“‘Wag namang ganyan, Alfred. Sagutin mo naman ako ng maayos. Paano kung malaman ito ng papa mo?”

“Hindi malalaman ‘yon kung ‘di mo sasabihin kay papa.”

“Hindi ito makararating sa papa mo Alfred. Ang gusto ko lang sana ayusin mo ang inaasal mo. Alfred minsan nga napagsasabihan na ako ng papa mo at ang sinasabi ko na lang, maayos ka naman.”

Sa nasabi ni Farida ay nanahimik na lang ang binatilyo pero pagkuwa’y, “Oo salamat na po. Pero napahiya ako, nag-alisan tuloy ang tropa ko.”

Iyon lang at umalis na si Alfred.

Hindi na alam pa ni Farida kung saan nagpunta ang kanyang alagang si Alfred na narito pala at kausap ang nagsilisan na barkada.

“Huuu nahuli pa tayo ng stepmom mo ha, Alfred?”

“Oo nga Alfred bad trip naman ang mamatot mo?”

“Oo nga tropa. Kaya hindi ko masyadong pinapansin ang kabit na ‘yon ni papa,” tugon ni Alfred.

“Pero infairness ha? Seksi ang stepmom mo ‘tol.”

“Tama ka, Rupert kami nga nitong si Betong e sinisilipan namin ‘yon.”

“Ha ha ha binobosohan n’yo rin pala si madam Farida, mga malilibog kayo,” usap ng mga katropa nito.

“E, ito ngang si Alfred baka bakita na nito ang biyak ni madam,” asar ng mga katropa niya.

ITUTULOY

Share

Leave a Reply

Loading...