MANILA, Philippines – Mag-ingat at maghanda ng sariling “Go-bag”.
Ito ang paalala ng Department of Health o DOH sa publiko lalo na sa mga residente sa paligid ng Bulkang Mayon na itinaasna sa Alert Level 3 ng PHILVOLCS.
Nangangahulogan na mas malaki ang posibilidad na sumabog ang bulkan sa mga susunod na araw.
Ayon sa DOH, makabubuti ang paghahanda ng mga tao sa panahon ng anumang sakuna, at sa posibleng paglikas.
At isa sa mga maaaring gawin ay magkaroon ng Go Bag, na makakatulong sa sarili at sa pamilya.
Payo ng DOH, maaring ilagay sa Go Bag ang mga pagkain na hindi madaling masira o mapanis, inuminh tubig, at gamit na pagkain tulad ng kutsara,tinidor at plato.
Mahalaga din ayon sa DOH na mayroong first aid kit kung saan kasama ang mga band-aid, alkohol, ointment para sa mga sugat, at mga kailangang gamot.
Gayundin ang survival kit, na kinabibilangan ng flashlight, pito (whistle) at ibang makakagawa ng tunog, lubid at katulad; gayundin ang PPEs gaya ng facemask, safety goggles, kapote at iba pa; maging maliit na radyo, baterya, powerbank at charger.
Mabuti ring maglagay sa Go Bag ng toiletries tulad ng toothpaste at toothbrush, sabon at iba pang pang-ligo, sanitary napkin, insect repellant at iba pa.
At magdala rin ng sapat na mga damit, jacket, sapatos at tsinelas; pati kumot o balabal. Jocelyn Tabangcura-Domenden