MANILA, Philippines – Bahagyang lumakas pa ang super typhoon Mawar nitong Biyernes ng umaga, Mayo 26 habang kumikilos pa-kanluran sa Philippine Sea.
Sa 11 a.m. advisory ng PAGASA, taglay ng super typhoon Mawar ang lakas ng hangin na 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na aabot sa 260 kilometro kada oras.
Aabot ng hanggang 550 kilometro ang sakop ng bagyong Mawar na may malakas na hangin.
Ayon sa PAGASA, inaasahan na maaabot ng super typhoon ang peak intensity nito sa loob ng 24 na oras at inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw.
Advertisement