Home NATIONWIDE Saguisag pinarangalan sa Senado bilang human rights fighter

Saguisag pinarangalan sa Senado bilang human rights fighter

MANILA, Philippines – Inihain sa Senado ang isang resolusyon na nagbibigay parangal kay dating Senador Rene Saguisag bilang pagkilala sa kanyang pakikihamok sa karapatang pantao partikular sa panahon ng diktaduryang Marcos.

Nagpahayag din ang Senado sa naturang resolusyon ng buong pusong pakikidalamhati at pakikiramay sa pamilya at naiwan ng dating senador na namayapa kamakailan.

Pinangunahan ang resolusyon ni Senate President Juan Miguel Zubiri kasama sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda, Majority Leader Joel Villanueva at Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa paghahain ng Senate Resolution No. 1009 nitong April 25 — isang araw matapos kumpirmahin ng pamilya Saguisag ang kanyang pagpanaw.

May edad na 84 si Saguisag.

“Senator Saguisag was unwavering in his fight for justice and human rights throughout his life. He was humble, competent and had an unimpeachable dedication to serve the Filipino people, especially the poor and disenfranchised,” ayon sa resolusyon.

“Senator Saguisag’s enduring legacy rightfully earned him a place in the annals of our nation’s history and serves as a beacon to current and future public servants and legal practitioners,” banggit ng dokumento.

“His passing is a great loss not only to his bereaved family but to the entire nation,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagiging senador, kilala din si Saguisad bilang abogado at human rights defender noong panahon ng diktaduryang Marcos na nagpakulong sa maraming miyembro ng oposisyon at aktibistang bumabatikos sa katiwalian at dayaan sa halalan tulad ng naturang senador

Nagbigay si Saguisag ng libreng legal assistance sa biktima ng human rights abuses sa panahon ng Martial Law.

Nagsilbi din si Saguisag bilang spokesman ng presidential candidate at President-elect Cory Aquino in 1986.

Nagsilbi siyang senador mula 1987 hanggang 1992. Pinamunuan niya ang Senate committee on ethics and privilege t ad hoc committee on the Bataan Nuclear power plant. Ernie Reyes