Home HOME BANNER STORY Sahod ng kasambahay sa NCR, Caraga tataasan!

Sahod ng kasambahay sa NCR, Caraga tataasan!

MANILA, Philippines – Tataasan ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa National Capital Region at Caraga sa susunod na buwan.

Ang bagong buwanang minimum wage sa mga kasamahay sa NCR ay magiging P6,500, mas mataas ng P500 mula sa dating rate.

Habang ang monthly minium wage sa mga kasambahay sa Caraga ay magiging P5,000, dinagdagan ng P1,000 mula sa dating rate.

Ayon sa Department of Labor and Employment, ipatutupad ang dagdag-sahod sa unang linggo ng Enero.

“The wage increases for kasambahays in Caraga and NCR are expected to benefit a total of 256,476 domestic workers — approximately 57% (146,202) of whom are on live-in arrangement,” anang DOLE.

nararanasan ng mga naghahanap ng kasambahay, mahirap makakuha ng — kahit gawin mo sigurong P7,000 siguro or P8,000,” sinabi naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa panayam ng Teleradyo Serbisyo nitong Linggo, Disyembre 17.

“Pero minimum lang naman po ‘yan at puwede magkaroon ng pagdadagdag yung employer pag nakita niya naman na magaling at may malasakit ‘yung kasambahay niya,” dagdag niya, sabay-sabing ang mga kasambahay ay madalas na mayroon pang dagdag na mga gawain katulad ng pagtulong sa assignment ng mga bata.

Samantala, naglabas din ng wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Caraga kaugnay sa dagdag-sahod na P20 kada araw sa Enero.

Ang minimum wage earners sa rehiyon ay magkakaroon na ng rate na P370 kada araw simula Enero.

Magiging P385 naman ang arawang sahod sa second tranche ng pagtataas ng P15 kada araw sa Mayo 1, 2024.

Inaasahang magbebenepisyo rito ang 65,681 minimum wage earners sa probinsya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur.

“About 132,217 full-time wage and salary workers earning above the minimum wage may also indirectly benefit as a result of upward adjustments at the enterprise level arising from the correction of wage distortion,” ayon sa DOLE. RNT/JGC

Previous articleCAAP: Mga paliparan heightened alert sa holiday season
Next articlePH, Japan nagpulong sa pagpapalakas sa maritime safety, energy cooperation