Home HEALTH Sakit sa tag-init sa gitna ng El Niño ibinabala ng DOH

Sakit sa tag-init sa gitna ng El Niño ibinabala ng DOH

MANILA, Philippines – Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga sakit dulot ng init ng panahon ngayong nakararanas ng matinding El Niño phenomenon sa bansa.

Partikular na pinag-iingat ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga bata at nakatatanda na mas apektado ng tagtuyot ba inaasahang tatagal hanggang ikalawang kwarter ng taon.

“‘Yung heat illness, pwedeng tumindi ‘yun. Syempre may sunburn, meron kang heat exhaustion, parang fatigue na pagod na pagod ka kapag matagal ka sa araw. So, you need to protect yourselves,” saad ni Herbosa sa media forum.

Ayon kay Herbosa, kapag nakaramdam ng heat exhaustion at hindi pinansin at Maari ito maging heat stroke.

Binigyan-diin din ng kalihim na ang mga nawalan ng Malay dahil sa heat stroke ay maaring mamatay kapag Hindi sila na-revive agad.

Ang mga sakit na dala ng tubig tulad ng talamak na gastroenteritis, gayundin ang mga sakit na dala ng vector tulad ng dengue ay maaari ding laganap sa panahon ng mainit na panahon.

Sinabi ng state weather bureau PAGASA noong Lunes na ang isang “matinding” El Niño phenomenon ay kasalukuyang nararanasan at patuloy na mararanasan hanggang Pebrero ngayong taon.

Ang El Niño ay malamang na magpapatuloy hanggang sa panahon ng Marso-Abril-Mayo, at lumipat sa El Niño Southern Oscillation (ENSO)-neutral sa panahon ng Abril-Mayo-Hunyo, dagdag ng PAGASA.

Ang National Weather Service ng US ay tumutukoy sa ENSO bilang isang “paulit-ulit na pattern ng klima na kinasasangkutan ng mga pagbabago sa temperatura ng tubig sa gitna at eastern tropical Pacific Ocean.” (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleMGA OFW SA ME DAPAT TUTUKAN
Next articleLagda sa People’s Initiative naisinumite mula sa 300 lugar – Comelec